November 9, 2013.

Di ko alam kung sasaya ba ko o hindi. Chinat niya ko kahapon. Nang-asar. Just like the old times. But at the end, naging seryoso siya. Sinabi niyang sana hindi ako galit. Sinabi niyang ayaw niyang magalit ang unang unang sineryoso niya. 

 

 

Dapat ba kong matuwa? Ako kasi, feeling ko, natakot ako. Nalungkot ako. 

 

 

 

 

Paano kung may iba na? Kaya ba siya biglang nagtanong kung galit ba ko kasi ayaw niya ma-guilty sa huli? Ayaw niyang humadlang ako kapag may iba na siya? Ganon ba yon? (Please tell me mali ako.) 

 

Ang sakit. Ang sakit-sakit. Kinutuban ako. At kahit kailan hindi nagkakamali ang kutob ko. Pano nga kung may iba na? Kaya ko ba? Kakayanin ko ba? Magiging masaya ba ko? Neknek ko. Di ko kayang lokohin ang sarili ko. Alam kong magiging masochist at malulungkot ako.

 

Kung meron man, sana sabihin na niya ng maaga. Sana sabihan niya muna ako. Sana ayusin niya muna yung sa’amin. Sana wag niya kong iwan na gulung-gulo pa din. Sana linawin niya muna ang lahat sakin. Sana patapusin niya muna kami ng high school. Sana palayuin niya muna ako. 

 

At kapag nangyari ‘yon na wala ako. Pipilitin kong maging masaya para sayo. Pipiltin kong itago ang sakit. Pipilitin kong pakawalan ka. Pipilitin kong maging masaya. Pipilitin ko. Kakayanin ko.

 

Alam kong di na dapat ako umasa na babalik ka. Pero ang tanga ko lang. Patuloy pa rin akong umaasa. Patuloy pa rin akong naghihintay. Hindi pa nagbabago ang lahat. Mahal pa rin kita. Hanggang ngayon ikaw pa rin. Ikaw lang. Ikaw lang talaga..

Reality.

You want him back. You missed him so much. But then, there’s no way that he’ll be back. He’s not into you anymore.. You will just end up with hurting and waiting for nothing. But you can’t just leave, you loved him and you love him still. You really can’t let go. You can’t move on.