Tuwing Umuulan [My One-Shot Story]

Unang patak..

 

 

Laway ko lang ‘yun.

 

 

Pangalawang patak..

 

 

Hindi pwede. Wala ako’ng dalang payong.

 

 

Ikatlo..Ikaapat..Ikalima..

 

 

Ayan na siya. Kailangan ko ng magmadali..

 

 

Mabuti na lamang at may nakita ako’ng isang waiting shed. At dun ay pumuwesto ako. Dito na lamang siguro ako magpapatila ng ulan. Ayoko sa lahat ay kapag umuulan. Ayoko. Ayokong-ayoko.

 

 

Kapag umuulan kasi..

 

 

Naaalala ko lang siya..

 

 

Pero sa di kalayuan..

 

 

Nakita ko siya…

 

 

Ang taong dahilan kung bakit ayoko sa ulan.

 

 

Ang taong dahilan kung bakit kumikirot na to’ng puso ko.

 

 

Ang taong dahilan kung bakit ayoko at takot na ulit akong..

 

 

Magmahal..

 

 

“Bakit ngayon pa? Bakit dito pa? Bakit ngayong umuulan pa?” At tuluyan ako’ng yumuko, umalis sa kinatatayuan ko. Di’bale ng mabasa ng ulan. Di’bale ng magkasakit. Ayoko lang silang masilayan.

 

 

Dahil mas gusto ko pa’ng magkasakit dahil sa ulan..

 

 

Kesa naman na maramdaman ko ang sakit..

 

 

Na limang taon ko ng tinatago..

 

 —

 

“Sabi ko naman sa’yo magdala ka palagi ng payong eh.” Sabi sa’akin ng isang lalaking matatawag ko na kaibigan rito sa waiting shed ng aming paaralan.

 

 

“Nakakalimutan ko palagi eh. Malay ko ba’ng uulan pala.” Ganito na lang palagi ang eksena kapag umuulan at kasama ko siya.

 

Sisisihin niya ko kasi wala ako’ng dalang payong. Tapos mapipilitian siyang samahan ako sa waiting shed. Minsan naman kapag siya ang may dala ay pinapasulong na ko. Tapos sisisihin niya ulit ako kung bakit di ako nagdadala ng payong. Paano na lamang daw kung wala siya. At kung anu-ano pa. Pwes kung aakalain niyo kung ano ko siya.

 

Kaibigan..

 

‘Yan lamang ang masasabi ko’ng relasyon naming dalawa. Kaibigan. Hindi kailanman magiging kai-bigan.

 

 

Oo. Mahal ko ang loko-loko. Pagpasensiyahan na. Loka-loka din ako eh. Minamahal ko to’ng loko na ‘to. Kahit na alam ko’ng kaibigan lamang ang turing niya sa’kin.

 

Alam niyo ba kung san at pano kami nagkakilala?

 

 

Isang maulang hapon..sa waiting shed ng aming paaralan. Marami ang nagpapatila ng ulan. At siyempre. Hindi ako isa dun. May dala ako’ng payong. Takot lang ako’ng sumugod sa napakalakas na ulan. Ewan ko ba? May trauma na ata ako. Kapag kumukulog kasi o kaya’y kumikidlat eh kailangan nakatago na ko sa may kwarto ko. Ayoko kasi. Takot ako. Takot ako sa mga ganung bagay.

 

“May payong ka naman. Pero bakit ayaw mo pa’ng umalis? Gagabihin ka lang.” Di ko siya pinansin. Akala ko kasi ay di ako ang kausap niya. Kahit obvious na obvious na ako talaga.

 

“Ikaw kaya ang kausap ko. Di ako stranger. Parehas tayo ng istilo ng uniporme oh.” Tiningan ko siya. Oo nga, parehas kami. Parehas kami ng kursong kinukuha. Eh, ano naman? Wala ako’ng paki. Ayoko pa rin makipag-usap.

 

Dali-dali ko’ng binuksan ang payong ko at aalis na sa shed na ‘yun. Nang biglang may humawak ng braso ko.

 

“Miss Megan Chua. Pwede ba’ng makisabay?” Tinitigan ko lang siya. Aba! Ang lakas ng loob niya’ng makisabay. Eh alam lang niya pangalan ko. SIYA? Di ko nga siya kilala eh.

 

 

Tinanggal niya ang kamay niya sa braso ko. At hinanda ang kamay sa pagpapakilala. “Daniel Lim. Section 1B!” 1B? So, sa kabilang kwarto lang pala siya. 1A ako eh. Hanggang C lang naman to’ng course namin. Kaunti lang siguro ang nagnanais na maging accountant sa university na ‘to. Malay ko. Bilang lang kasi talaga kami.

 

“Sige. Sumabay ka na.” Ang tangi ko’ng sinabi at nakipag-kamay sa’kanya.

 

Napagalaman ko rin na malapit lang ang kanilang tahanan sa’amin. Mga dalawampung hakbang siguro? Di’bale na lang kung masyadong malaki ang hakbang mo o sobrang liit. Kapag normal lang kasi katulad ko. Mga 20 nga ang estimated.

 

Hinatid niya ko sa aming tahanan. At tumakbo naman siya papunta sa kanila. Nagpasalamat muna siya siyempre. At simula noon. Ginulo na niya ang mundo ko.

 

Araw-araw niya ko’ng pinupuntahan para sabay kami sa pagpasok. At minsan naman ay nagugulat na lang ako dahil naka-abang na siya sa labas ng aming classroom para sabay daw kaming mag-lunch. At sa huli. Naghihintay siya sa gate para naman sabay kaming umuwi.

 

Ganito ng ganito ang senaryo sa’aming dalawa. Kahit wala ako’ng kamalay-malay, pinapabayaan ko na lang. Maaari ko ba’ng tanggihan ang isang taong nakikipag-kaibigan lamang? Siguro eto na rin yung time para magtiwala ulit ako sa ibang tao. Yung maging maingay ulit ako. Simula kasi noong elementary ako, dahil sa nangyari sa’akin noon, di na ko nagtiwala pa. Naging mailap ako sa lahat ng bagay. Mas pinili ko ang mapag-isa.

 

Pero dahil sa isang loko-loko na ‘to. Na nagngangalang Daniel Lim. Ayun. Nagulantang na ko. Ginulo na niya ang mundo ko. Tinanggal niya ang takot ko. Pinaramdam niya ulit sa’akin kung gano kasarap ang mabuhay ng may kaibigan. Pero sa di inaasahan. Bigla ako’ng nakadama ng pag-ibig. Kahit mali. Kahit hindi dapat.

 

Nakikiayon na rin siguro ako sa panahon ngayon. Naiinlove na rin ako. Akala ko kailanman ay hindi ko na iyon mararamdaman. Akala ko hindi yun nage-exist sa’kin. Akalain mo’ng darating rin pala sa buhay ko ang pagkakataong ito.

 

“Hindi ka pa ba tapos magday-dream diyan? Tumitila na ang ulan. Pwede na tayong umuwi, hindi ba?” Kita mo ang loko. Ang lakas makabasag ng trip. Ang lakas ko na maka-emo dito. Bigla namang sisirain.

 

Ngumiti na lamang ako sa’kanya. “Tara na.”

 —

 

“Hindi pwede! Hindi mo pwedeng kunin ang anak natin. Simula noong iniwan mo kami. Iniwan mo na rin ang responsibilidad mo, kaya wag ka ng magtangka pa’ng makukuha mo sa’kin ang anak ko!” Sabay baba ng phone. Eto nanaman. Narinig ko nanamang nagaaway ang aking mga magulang. Matagal ng hiwalay sina nanay at tatay. Pero di ko alam kung ano ang dahilan. Basta ang alam ko. Isang araw na lamang, iniwan na niya kami. Iniwan na niya ko.

 

“Kahit kalian, hindi ka sasama sa tatay mo, ha? Anak?” Ganito palagi ang sinasabi ng nanay ko kapag naririnig ko silang ganun. At katulad ng ginagawa ko. Tatango lang ako. At diretso ng aakyat sa kwarto ko. Magbibihis. At sisilip sa bintana. Dun ko makikita..na umuulan nanaman pala.

 

Kasabay ng pag-ulan na ‘yun.

 

 

Ay ang pagpatak ng mga luha sa’king mga mata.

 

 

Tuluy-tuloy. Walang tigil.

 

 

Patuloy lamang ‘to sa pagpatak.

 

 

Tuluy-tuloy. Walang tigil.

 

 

Bakit ba ko ganito? Hindi ko alam. Sawi na nga ko sa nararamdaman ko. Sawi pa ko sa pamilya ko. Haaaay. Ang buhay talaga.

 

 

Hindi ko inisip ang mga problemang iyon kapag kasama ko si Daniel. Magaan sa loob ko ang kasama siya. Napapangiti niya ako. Napapatawa. Humahalakhak ako. Naiiyak ako sa tuwa.

 

 

Ang loko-loko. Kaya minamahal ko ‘to eh.

 

 —

 

“Paano kung one day, umalis ako. Mamimiss mo ba ko?” Tanong ko sa’kanya out of the blue. Naisip ko lang. Paano kaya kung tanggapin ko ang alok ng tatay ko? Paano kaya kung tanggapin ko yung pagpapaaral niya sa’akin sa ibang bansa? Paano kaya kung pumayag na si nanay tungkol dun? Kaya ko ba’ng iwan si Daniel? Mamimiss niya ba ko?

 

“Oo naman. Mawawalan ako ng aasarin. Ang boring ng buhay ko kapag ganun.” Pinilit ko na lamang ngumiti sa sinabi niya.

 

“Ano’ng gagawin mo? Kung talagang aalis na ko?” Tanong ko ulit sa’kanya.

 

“Hihintayin kita. Kahit gaano man katagal ‘yon..” Lihim ako’ng napangiti dahil sa sinabi niya. Ang feeling ko kasi. Napaka-special ko rin sa’kanya. Umamin na kaya ako? Wala namang masama kung umamin di’ba?

 

“Daniel?”

 

“Bakit, Megan?”

 

“Ma–.” At bigla namang bumuhos ang malakas na ulan.. Ang sama talaga ng timing mo, ulan.

 

 

 Hindi ko na nasabi kay Daniel ang dapat ko’ng sabihin. Umuwi na lamang kami at tila nakalimutan na rin niya na may sasabihin dapat ako. Siguro hindi lang ‘yun ang tamang panahon para sabihin ‘yun.

 

Pagpasok ko sa aming tahanan. Nakita ko’ng nakaupo ang aking tatay sa sofa at maging ang aking nanay. Nakita ko rin ang maleta ko. Kinabahan ako bigla. Eto na ba yung sinasabi ko kanina? Tumayo silang dalawa pagkakita sa’kin. Nilapitan ako ni tatay at niyakap. “Na-miss kita, anak.” Ang katagang narinig ko mismo sa’kanya. Bumitaw siya sa pagkakayakap at lumapit naman si nanay sa’kin.

 

“Sasama ka sa tatay mo. 5 taon. 5 taon lamang ang ilalagi mo doon, anak. Tandaan mo ‘yan.”

 


“Pero, paano ka na po, ‘nay?”

 

 

“Wag mo ko’ng aalalahanin, ‘nak. Magiging mabuti ang lagay ko rito.” Hindi ko alam. Pero kasabay muli ng malakas na pag-ulan noon. Ay ang tuluy-tuloy na pagtulo ng luha ko.

 

Sadyang mababaw nga lang siguro ang mga luha ko. Madali silang pumapatak. Minsan hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit ito pumapatak. Basta ang madalas. Kasabay ng pagpatak ng ulan..ay ang mga luha ko.

 

Bigla naming pumasok sa isipan ko si Daniel. Kaya ko nga ba’ng iwanan siya? Ayaw ko man siya iwanan, maging ang nanay ko. Pero planado na ang lahat. Wala na ko’ng takas. Di na pwedeng magwala pa ko rito. Hiniling ko na puntahan muna si Daniel. Ngunit di ako pinayagan. Konting oras na lang daw kasi ay kailangan na naming umalis. Kaya ang tanging ginawa ko na lamang ay ang sulatan si Daniel. Bulok man sa panahon ngayon. Alam ko na ito ang pinaka-sincere na dapat ko’ng gawin ngayon para kay Daniel.

 

Daniel,

 

         Kasabay ng malakas na pag-ulan, ay ang pag-alis ko. Eto na. Eto na nga ang sinasabi ko. Mamimiss mo ko di’ba? Hihintayin mo ko di’ba? Aasahan ko ‘yan, Daniel. Hintayin mo ko. Babalikan kita. Sana’y tuwing umuulan ay maalala mo ako. Abnormal man ang panahon, pinagtagpo naman tayong dalawa. At pinasasalamatan ko ang ka-abnormalan ng panahon dahil sa nakilala kita. Nakilala ko ang taong nagpagulo ng mundo ko ulit. Nakilala ko ang taong nagpabagyo sa buhay ko. Salamat Daniel. At kahit loko-loko ka, minamahal naman kita. Oo, tama ka diyan pare. Mahal kita. Matagal na. Pero natatakot lang ako. Alam ko’ng huli na pero sana naman ay naramdaman mo yung pagmamahal ko. Ikaw? Kaibigan lang ba talaga? Kaibigan man o hindi. Aasa ako sa sinabi mo. Hihintayin mo ko. At babalikan kita. I love you, Daniel. ♥

 

Megan.

 

Pinabigay ko naman ‘yun sa aking nanay. Umalis na kami ni Tatay pagkatapos non.

 

Tandaan mo, Daniel. Hihintayin mo ko. At babalikan kita.

 

 —

 

Umiiyak ako sa ulan. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na matapos ang lahat ay eto lamang ang mangyayari sa’akin. Naging matagumpay nga ang pag-aaral ko sa ibang bansa ngunit pagkadating ko naman dito. Dala ko pa rin ang pag-asang hinihintay ako ni Daniel.

 

Naibigay daw ni nanay ang sulat. Mangiyak-ngiyak pa nga daw si Daniel habang binabasa iyon. Pinarating niya sa’kin na ganun din ang nararamdaman niya. At totoong hihintayin niya daw ako.

 

5 taon din ang lumipas.

 

Dala-dala ko pa rin ang pag-asang iyon. Dala-dala ko pa rin ang pangakong iyon. Dala-dala ko pa rin ang pag-ibig ko kay Daniel.

 

Kamusta na kaya siya? Accountant na rin ba siya? Ano na kayang itsura niya?

 

Hinintay niya ba ko?

 

Mahal niya pa rin kaya ako?

 

Nung oras ng pag-uwi ko. Siya agad ang pumasok sa isip ko. Kaya napagpasuahan ko’ng puntahan siya sa kanialng tahanan. Balak ko siyang sorpresahin sa pagdating ko. Nakita ko siya noon na nakatayo sa may harapan ng kanilang tahanan. Nakikinig sa kanyang mp3 player. At tila kumakanta pa. Napangiti ako dahil sa nakita ko.

 

Hindi pa rin kasi siya nagbabago.

 

Lalapit na sana ako pero naunahan ako ng isang babae. Niyakap niya ito. At bakas sa mukha niya na Masaya siya. Masaya siya sa piling ng iba.

 

Akala ko ba maghihintay ka?

 

Akala ko ba…mahal mo din ako?

 

Pero bakit ganun?

 

Bakit tila ay nag-iba ka. Hindi TILA. Talagang nag-iba ka na. </3

 

Tumalikod ako nun. Di ko kasi kayang makita kayo.

 

 

Simula nung araw na ‘yon. Di na ko nakibalita sa’kanya. Sapat na ang makita ko siyang masaya na sa iba. Kahit ako, eto. Parang tangang umasa lang sa wala. Kaya naiirita ako kapag tuma-timing yung pag-ulan tapos nakikita ko pa siya eh. Siguro. Kasama na sa tadhana namin ang pag-ulan tuwing nagkikita kami. Kasabay kasi ng pag-ulan..

 

Unti-unting pumapatak din ang mga luha ko.

 

Na sa tuwing umuulan..

 

Siya palagi ang naiisip ko.

 

“Bakit ka nanaman nagpapaulan? Wala ka’ng payong? O para matago mo ya’ng pag-iyak mo?” Sabi ni Renzy. Ang ka-trabaho ko.

 

Tumingin naman ako sa lugar kung asan si Daniel.

 

“Wala kasi ako’ng payong..” nakita ko naman ang pagtingin ni Daniel. Pero umiwas ako ng tingin.

 

“Halika na. Tama ng umasa ka sa wala. Huwag mo na lang kalimutan ang payong mo palagi.” At ngumiti siya sa’akin.

 

Tama na ang limang taon na ako lang ang naghintay. Umaasang may babalikan rin ako.

 

 

 

Unang patak. Ikalawa. Ikatlo.

 

 

 

 

 

Ikaapat. Ikalima.

 

 

 Umuulan nanaman..

 

 

Tama ng naalala kita tuwing umuulan..

 

 

 

 

Tama na ang pagsabay ng luha ko sa pagpatak ng ulan..

 

 

 

 

Tama na. Di ko na kaya.

 

 

“Hihintayin kita. Kahit gaano man katagal ‘yon..”

 

Couple Shirts [My One-Shot Story]

“Rinaaaaa! Dali na, pumayag ka naaaaa!” Pamimilit sa’akin ni Laureen, bestfriend ko.

 

 

“Ayoko nga, Reen. Makulit?” Pinipilit niya kasi ako’ng makipag-date sa isa nilang kakilala.

 

 

“Bakit? Dahil ba kay Alex?” Psh. Bakit ba napunta nanaman ‘to kay Alex? 

 

 

“Ano ba?! Bakit siya ng siya?! Pwede ba’ng AKO na lang. Linta naman oh. Paano ko makakalimutan yung tao kung kayo mismo humahadlang!” 

 

 

“Humahadlang? Tinutulungan ka na nga eh. Kung ayaw mo, edi wag.” Sabay alis niya. Naku. Nagtampo nanaman. Haaaay. Wala ako’ng panahon diyan. 😐

 

Ako si Rina. 3rd year college student at BSA ang course ko. Yung Alex? Well, siya lang naman yung dakilang EX ko. Ang siya’ng nang-iwan at nanloko sa’akin. :/ 1 year lang ang relasyon namin. Pero sa loob ng isang taon na yun, may kasabay pala ako. Haaaaay. Buhay parang life! Napakahirap intindihin. 😐

 

***

 

Pagtapos ng klase. Dumiretso na ko sa locker ko para iligpit na ang mga gamit ko. Tapos nun, naglakad na ko paalis ng school. 

 

*Kriiing.

 

Kuya calling…

 

“Yes, kuya?” It’s my Kuya Lem. Nagwo-work na siya ngayon.

 

“Rina. Tapos na ba klase mo?” 

 

“Yes, kuya. Why?” 

 

“Bilhan mo ko ng necktie please? Nawala kasi yung iba, naiwan ko ata sa isang bahay natin. Nilagay ko na sa atm mo yung pera. Okay ba?” 

 

“Sure kuya.” 

 

“Thanks babysis.” At binaba naman niya yung phone.

 

Pagkalabas ko ng school, sakto namang labas si Alex…

 

 

 

 

 

 

 

..with his new girlfriend..

 

 

Dumaan sila sa harap ko. Pero, parang wala lang. Parang di na ko kiala ni Alex. Para ba’ng hangin lang ako sa paningin niya. Di man lang niya ko tiningan or nginitian man lang. Di man lang niya ko pinansin. 😐 Pero bakit ko pa inaasahan ‘to di’ba? EX ko na lang siya. EX na lang din niya ko. Kaya siguro, mas mabuti ng ganito. Mas mabuti ng di kami magpansinan</3

 

 

Pagkatapos ko’ng i-withdraw yung pera, sumakay na naman ako ng jeep para pumunta ng mall. Sakto din yung timing. Para naman makapag-relax ako. Masyado na ko’ng stressed. Masyado na ko’ng naguguluhan dahil sa pesteng lovelife na yan. >_<

 

***

 

Habang tumitingin ako sa mga necktie, pumukaw naman ng pansin ko ang isang couple shirt doon. Cute siya. Kahit simple lang. Nilapitan ko iyon. Parang gusto ko’ng bilhin. Pero, kung bibilhin ko naman, wala ako’ng ka-couple na magsusuot nun</3

 

Hinawakan ko yung isang damit, at sabay nun ay may humawak din sa isang damit na ka-couple nun. Napatingin kami sa isa’t isa dahil dun.

 

“Ah. Bibilhin mo ba?” Tanong niya. Lalaki siya. Gwapo din. Maputi. Matangkad. Ay shet. Bakit ko dine-describe!? =_________=

 

“Ah. Hindi. Tinitingan ko lang. Ikaw?” Ngumiti siya pagkatapos nun. Packing Tape. Bawal ngumiti, nakakamatay! =_______=

 

“Haha. Same. Wala din naman ako’ng pagbibigyan ng isa eh.” Napatingin naman ako bigla sakanya.

 

“Wala? As in WALA NA? or WALA PA?” Ginaya ko yung line sa isang scene ni Derek at Bea dun sa One More Chance. Hehe. Kung doon, picture frame. Sa’amin naman, couple shirt.

 

“Wala na. Haha. Alam ko yung line na yan.” At tumawa kami parehas. “Ikaw? WALA NA? or WALA PA?” Wow. Binato din sa’akin yung tanong.

 

“Same. Wala na.” Sabay iba ng tingin ko.

 

“Haaaaay. Ganyan talaga ang buhay..” Pinahinto ko siya. “Parang life?” Sabi ko.

 

“Oo, ang hirap intindihin.” GAHD. Bakit parehas kami ng motto nito’ng lalaking ‘to? O.o

 

“Hahaha! I’m Rina.” Sabay abot ko ng kamay ko.

 

“James.” At nagshake-hands naman kami. Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan eh. Kaya okay na din.

 

“Nice to meet you!” ^_____^

 

“Ako din. Haha. Nga pala, let’s meet again sa ibang araw? Para naman mapagkwentuhan natin yung kasawian natin sa pag-ibig.” 

 

“Haha! Sure. Here’s my number. Just call me.” At binigay din niya ang number niya.

 

“Well, see you soon. Thank you.” At umalis na siya. Nag-wave naman ako sakanya.

 

***

 

Nang nakapili na ko ng necktie para kay kuya. I mean, neckties. Haha. Bumili din ako ng dress for me at binayaran na iyon. Bago ako umalis ng mall ay pumunta muna ako ng Starbucks. 

 

“One Mocha Frapuccino please?” Nagbayad naman ako sa counter at hinintay ang order ko. Umupo muna ako. At nung tinawag na ang inorder ko ay tumayo na ko at kinuha iyon. 

 

Lumabas na ko ng starbucks. Maya-maya may tumawag sa’akin.

 

“Rina!” Pagkalingon ko. Sila Alex. 😐

 

“Rina! Di mo ba ko natatandaan?” Sabi niya ulit. Siya yung kabarkada ni Alex.

 

“Ken. Hi.” Sabi ko at pinipilit na umiwas ng tingin kina Alex.

 

“Babe? Sino siya?” Sabi nung girl. Hmp. Babe mo mukha mo. Ano kabe-babe diyan. Eh, timer yan eh. Kitams. Iba yung sinabay niya sa’akin sa girlfriend niya ngayon. 😐 Shet. Di ako bitter. Naiinis lang ako. =________=

 

“Ah. Friend namin.” Friend? Bakit? Di mo ba masabing EX-GIRLFRIEND mo ko? GAHD. Kapal din pala ng mukha mo! Hmp. >_<

 

“Actually. I’m not just a friend..” Sabi ko sa babae. Tumingin muna ako kay Alex at nakita ko siyang umiba ng expression. Tumingin ulit ako sa babae at tinuloy ang sinasabi ko. “I’m his ex-girlfriend.” *wink At umalis na ko. 

 

Di na ko lumingon, pero narinig ko na sumigaw yung babae. Nako. Okay na yun. Makaganti man lang kahit konti. *evil laugh

 

***

 

“Oh, kuya.” Sabay abot ko ng pinamili ko’ng neckties para saknya. Di ko na siya hinintay na sumagot at umakyat na sa kwarto ko. Di ko alam pero naiiyak ako. Ganun ba ko ka-walang kwenta kay Alex? Na kahit sabihin man lang niya’ng EX niya ko di niya magawa? Hmp. Wala siyang kwenta. Pero nakakainis eh. Ang sakit kaya!? =________=”

 

James calling..

 

Pinunasan ko ang konting luha ko at sinagot na ang phone.

 

“Hello?”

 

“Hi!” 

 

“Bakit ka napatawag?” 

 

“Ahm. Busy ka ba tomorrow?”

 

“Yeah. I have school.” 

 

“Awts. Sige. Next time na lang. Sorry sa istorbo..”

 

“Ahm. Wait!” 

 

“Yes?” 

 

“Let’s see each other tomorrow?”

 

“Sure ka?”

 

“Yeah. 3pm tapos na yung klase ko. Pick me up okay?” 

 

“Suuure. I will be there.”

 

“Wait, alam mo na school ko?”

 

“Yeah. Meron ako’ng mga kaibigan dun. Kilala ka nga nila eh.” 

 

“Ah. Sige. See you.” At binaba ko na yung phone.

 

Di naman masama makipag-date di’ba? ( Kung date man yung tawag dun. ) =__________=

 

***

 

KINABUKASAN.

 

“Rina.” Tawag sa’akin ni Laureen.

 

“Oh?” Maikli ko’ng sagot. Inaayos ko na kasi yung gamit ko para makauwi na.

 

“Sorry kahapon ah? Di ko sinasadya. Gusto ko lang naman—” 

 

“Wala na yun, Reen. By the way, I have my date na.” Pagkasabi ko nun, bigla namang nanlaki mga mata niya.

 

“What? Really? Sino? Kelan? Saan?” 

 

“Dami’ng tanong? Haha. Actually. Di pa naman yun date eh. Basta, ganun na yun. Mamaya. James pangalan niya. Gusto mo pakilala ko siya? Pupuntahan niya ko dito.” 

 

“Alam mo? James din yung pangalan ng ipapa-date ko sana sa’yo. Pero, madami namang James eh. Baka nagkataon lang. Hehe. Sige, pakilala mo ko.” At sabay naman kami’ng pumunta sa parking lot ng school. May kotse daw kasi siyang dala eh. 

 

 

 

“Oh, ayun siya.” Sabay turo ko sa lalaking naka-violet na v-neck. Wow. Ang hot lang ah. O.o

 

“NO WAY!?” 

 

“Huh?”

 

“Siya yung ipapa-date ko sa’yo! JAMES MONTECASTRO!” At kumaway siya para makita nung James yung kinalalagyan namin. 

 

“Oh? Laureen. Kilala mo si Rina?” 

 

“Excuse me. Bestfriend ko pa! Hala, sige! Enjoy your date! Babuuu!” At tinawanan na lang namin ni James si Laureen. Tama ba yun? Siya dapat yung ida-date sa’akin ni Laureen. Wow. What a coincidence. O.O

***

Pumunta naman kami sa isang resto ni James. Kumain lamang kami at naka-kwentuhan na namin yung about sa aming mga ex. Kung paano kami naging sawi dahil sa kanila.

 

“Tinymer ako ng ex ko.” Sabi ko.

 

“What? Loko-loko yun ah? Gusto mo, upakan ko?” Tumawa na lang ako sakanya.

 

“Naku. Kahit wag na, naipaghiganti ko na. HAHA!” 

 

“Oh? Paano?” 

 

“Secret ko na yun!” Sabay behlat ko. 😛 “Kwento mo na yung sa’yo!” 

 


“Ah. Kasi.. nagmahal siya ng iba..” 
Napansin ko naman sakanya ang pag-iba ng expression ng mukha niya.

 

“Naku. Okay lang ‘yan! Alam mo, kapag may taong nawawala sa’atin. Ibig sabihin lang nun, may darating din na mas better. Yung di ka sasaktan. Yung aalagaan ka.” Sabay ngiti ko sakanya.

 

“At sa tingin ko nakita ko na yun..” Pabulong niyang sabi.

 

“HA?” Sabi ko.

 

“Ah, wala.. Kain na lang tayo.” 

 

***

 

Nagpatuloy ang paglabas namin ni James. Minsan pa nga, napagkakamalang kami eh. Pero hindi pa. Hindi pa? Or hindi? Ay ewan. Di naman masama MAIN LOVE ulit di’ba? Oo, tama. In love na ko kay James. Siya kasi yung tipo ng lalaking madali lang mahalin. Kasi, lahat ng gusto mo sa isang lalaki, makikita mo na sakanya. Kaya, oo. Mahal ko na siya. Kahit makita ko man si Alex na may kasama nanamang iba babae, wala na ko’ng pakielam. Basta ako. MOVED ON. At nagmamahal na muli.

 

Pero.

 

Dumating ang isang araw. Dalawang araw. Tatlong araw.

 

Na di na nagpaparamdam si James. Ni text man lang wala. Di ko alam kung ano na nangyari. :/ 

 

“Reen? Ano balita kay James?” Tanong ko.

 

“Huh? Sa’yo nga dapat ako magtatanong eh. Hinahanap kasi siya ng mga kabarkada niya. Bakit? Di mo ba nakakasama?” 

 

“Hindi eh. Tatlong araw na.” 

 

“Asus. Miss mo agad? Baka busy lang. Intindihin na lang natin. May business din kasi sila eh.” Ngumiti na lang ako kay Laureen. Oo nga. Baka busy lang. :/

 

***

 

One week na simula noong di ko nakakausap si James. Grabeh. Miss na miss ko na siya. =(

 

“Package for Miss Rina.” Sabi ng isang mailman.

 

“Ako po yun.” Inabot naman niya sa’akin yung box. At pinapirma dun. 

 

 

Hmm. Ano kaya laman ne’to? =___________=?

 

 

Nang binuksan ko. Isang card ang nauna. Kinuha ko muna yun at binasa.

 

Uy, miss na kita. Sobraaaa! Sorry ah? Umalis kasi ako ng bansa. Di na ko nakapag-paalam pa. Sorry talaga. Pero eto na, bumalik na ko. At miss na kita, Rina. Suotin mo yung regalo ko. Magkita tayo mamaya sa park, okay? See you.♥          – James

 


O.o  –  o.O  – O.O

 

OHMYGAHD~ Si James? :”””””””> Tinignan ko naman yung nasa loob pa nung box. At ngulat ako ng nakita ko ang nasa loob.

 

O.o

 

 

O.o

 

 

O.o

 

Yung couple shirt na nakita namin nung una pa lang kami nagkakilala. :”>

 

Sinuot ko naman yun. Nag-ayos at pumunta na sa place na sinabi ni James. Grabeh, kinakabahan ako. 

 

Maya-maya. May lumapit na bata at may inabot. Tiningan ko naman, yung maliit na heart nakalagay dun sa may stick at nakalagay dun ang “I”. May card na maliit at binasa ko naman..

 

“I. I- the shortest word I know. I will always be here..” – James

 


May nagbigay din naman sa susunod. Ganun din yung itsura. 

 

“LOVE- the sweetest word I know. Love will come, unexpectedly..” – James (punta ka sa place na tambayan natin. ^_^)

 

 

Naglakad na ko papunta sa may fountain dun. Dun kasi kami lagi tumatambay ni James.

 

Nagulat ako ng sumulpot si James at hawak ang isang katulad din ng binigay sa’akin kanina. 

 

“YOU- the special someone I know..” At nag-smile siya. Kinuha ko naman yung stick at nag-smile din. 

 

“Ang korni mo!” Sabay tawa namin.

 

“Hindi ah. Ang sweet ko nga eh. Ikaw diyan bitter.” 

 

“Ewan. Na-miss kita! Tapos aawayin mo lang ako?” Sabay pout ko.

 

“Sus. Miss kita lalo noh..” Hinawakan niya naman ang mga kamay ko. “Rina. I love you. Mahal na kita simula pa lang nung nagkita tayo. Di’ba nga? Tinitingan natin to’ng couple shirts na suot natin ngayon. Binili ko ‘to for us. At napaka-espesyal ng shirts na ‘to, dahil dito nagkakilala tayo.”

 


Yumuko siya saglit at humarap ulit. Tiningan ko lang siya sa mga mata niya.

 

“Rina. Can you be my girlfriend?” Ngumiti naman ako sakanya.

 

 

“James…..

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

..May magagawa pa ba ko para huminde? Mahal din kita, loko ka!” At sabay nun ay niyakap niya ko. 

 

 

“Kapag may taong nang-iwan sa’atin. Ibig sabihin lang nun ay may darating na bagong tao sa buhay natin, yung mas better. Yung di ka sasaktan. Di ka iiwanan. At aalagaan ka.

 

 

 

..At siya na nga yun..” – Rina.