1 year of friendship down, FOREVER TO GO♥

1 year of friendship down, FOREVER TO GO♥

HAPPY FRIENDSARY SA MGA MINAMAHAL KO’NG KAIBIGAN!!!! :))))))))))

Feeling ko, ang tagal na natin magkakakilala. Eh kasi naman, sobrang close na eh. ❤ And dami na nating pinagdaanan, at alam ko'ng marami pang dadaan. Pero kahit anong mangyari, alam kong hindi tayo matitibag. Daig pa natin ang mga pader sa Intramuros. Aryt? :))))

Una sa lahat, THANK YOU. Thank you sa pagpapasaya sakin. Thank you sa mga times na andyan kayo para sa'akin. Sa pakikinig ng mga ka-dramahan ko. Sa kulitan, tawanan, lokohan, bukingan, kwentuhan hahaha. Sa lahat. Salamat sa pagtanggap at pagmamahal. NAKS! :))))

Tandaan niyo na andito lang ako para sa'inyo. :))) Nakatago lang ako dito. Hahaha. Kung kailangan niyo ng makakausap, text niyo lang ako o kaya chat lang. Hahahahaha!

Sorry. Sorry kung may times na nadi-disappoint ko kayo. Or naiinis kayo sakin. Or may ginawa ako'ng mali, sorryyyyy!!! :))))))

AYUN. 1 year down, FOREVER TO GO!! ♥♥♥♥♥

I LOVE YOU SO MUCH, GIRLS!!!!! ALWAYS AND FOREVER!! TO INFINITY AND BEYOND!!!! ♥♥♥♥

Advertisement

Live, Laugh, Love..

Ang ganda ng title ng blog ko. Pero yung mga pinagpo-post ko dito. Mukhang ewan lang. I should change the name ba? Kasi parang ang chaka e. Positive yung title pero yung mga post e negative. Hindi balance e. Nakakalungkot lang.

 

Live. It’s not a choice. We should live because God wants us to. Life may be unfair but then it’s just a part of it. Laugh. I guess, it’s our choice. If you want to laugh then go on. Kung ayun man ang makakapagpagaan ng loob mo. Kung ayun man yung way mo para makalimutan ang bigat na nararamdaman mo. Love. I agree na we cannot control our heart in choosing who to love. Love is everywhere. You suddenly fell in love with a puppy that’s why you bought it. Just like that I mean. But I do know that among all of the meaning of love, there is just one of it that I believe most. LOVE IS GOD. 

 

Live. Laugh. Love. 

I’m Overthinking…

Eto nanaman ako. Kung ano ang iniisip. Hindi ko alam. Bigla nanaman ako’ng nag-drama mode dito. I hated it. Nalulungkot ako. Gusto ko umiyak. Gusto ko magtype ng magtype dito kahit walang kalaman-laman ang utak ko. Ang gusto ko lang eh mailabas ang nararamdaman ko. I’ve changed. Di ko na makilala ang sarili ko. Di ko na maibalik ang dating ako. Kung saan, ang saya-saya ko. Na kaya ko pang mag-pretend na okay ako.

 

Pero ngayon, kahit ata pagpe-pretend hindi uubra e. Kahit anong gawin ko’ng pagtawa o pagngiti, halatang pilit. Halatang hindi ko na kaya.

 

Bakit ganito? Ano ba ang nangyayari sa’akin? Kahit kasi ako hindi ko maintindihan. Tingnan niyo. Iba yung title ko sa pinagta-type ko rito. Wala na talaga ako sa sarili ko.

 

Pero mako-connect naman e. Nag-iisip nanaman kasi ako ng kung anu-ano. Feeling ko anytime e sasabog na ko. Feeling ko magka-countdown na lang ako e susuko na ko. Hay. Ano nga ba ang pinagiisip ko?

 

Una. Si mama. Sa sitwasyon niya ngayon, hindi ko na alam kung makakayanan ko pang magpahinga. Ayoko siyang nahihirapan. Ayoko siyang napapagod. Ayokong makitang inaatake siya. Dahil hindi ko na kaya kapag mangyari pa yun. Si mama, siya ang lakas ko. Siya ngayon ang inspirasyon ko sa lahat ng bagay. Pinipilit ko ang sarili ko na kumilos kahit alam kong di ko na kaya. Pinipilit ko kahit may dinadamdam na ko. Kahit alam ko sa sarili ko, na napapagod na rin ako…

 

Pangalawa. Naguguluhan ako sa feelings ko between those two guys. Si R. Kahit parang inis na ko. Di pa rin mawala sa isip ko na, di pa rin ayos ang lahat. Iniwan niya ko’ng hindi malinaw ang lahat sa’amin. Pinamukha niya kong tanga. Na kapag may magtatanong kung bakit kami nagbreak e wala ako’ng masasabi. Kasi kahit ako, hindi ko alam. Odiba? Tanga ko lang. Tapos etong si A. I dunno na. E kasi naman. He’s acting different talaga. Although, na-appreciate ko naman yung pagiging kaibigan niya sa’akin at pagpaparamdam na di niya ko iiwan. Pero ako ata ang mali e? Parang may nararamdaman ako na siyang dahilan ng pagbalik ng lahat. Kaya nga umiiwas ako. Kasi ayoko na talagang umabot ulit ako sa puntong yun. Once is enough. 

 

Pangatlo. I’m alone. Feeling ko mag-isa lang ako. Nararamdaman ko yung sakit na alam ko’ng mag-isa ko lang dadamdamin kasi wala ako’ng kasama. Pinipilit ko’ng ilayo ang sarili ko sa mga tao kasi iniisip ko na di nila ako maiintindihan and ayoko ng dumagdag pa sa problema nila. Dahil alam ko namang may dinadala tayong lahat na problema. At ayoko ng mandamay pa. 

 

ALONE. Siguro mabuti na rin na sarilinin ko. Kahit mahirapan na ko. Kahit alam kong susuko na ko. Kasi alam ko namang di ko magagawa yung pagsuko e. Alam ko’ng aakuin ko pa rin ang lahat. Kilala ko ang sarili ko. Kayang-kaya ko ‘to.