The Journey..

fea738ec-b2c1-49dc-a03b-d3d98ee13e4a_zpscad56a61

Actually, hindi ko alam kung bakit ito ang title ng akdang ito. Siguro ito ang unang pumasok sa isip ko? Sa totoo lang. Di ko rin alam kung bakit ba pumasok ‘to sa isip ko. Basta ang alam ko lang. Gusto ko’ng ibahagi ang mga bagay na nakikita’t naiisip ko sa araw – araw na naglalakbay ako sa buhay ko. Ang OA ba? Pasensiya na. Ganto lang talaga ako. Pasensiya na rin. English yung title. Pero eto yung content. Nakakahiya talaga. *facepalm*

Kada sumasakay ako ng jeep o kung ano man, mahilig ako’ng tumingin sa may bintana. Tapos tinitingnan ko yung palagid ng bawat dinadaanan ng sasakyan. Kapag naglalakad ako, ganon rin. Tumitingin ako sa paligid ko. Nag – iisip ako. Kung anu – ano ang nare – realize ko.

Sa totoo lang, kaya koi to ginawa, kasi wala ng mapaglagyan sa utak ko. Haha! Gusto ko I – share ang mga ito. Bahala na kayo kung babasahin niyo. Pero ipinapangako ko’ng, detalyadong – detalyado ang lahat. Ilalagay ko rito kahit yung asong nakita ko’ng umihi sa may nakatumbang gulong dun. Lahat ng nakita ko sasabihin ko.

Tulad na lamang noong sinamahan ko ang lola ko maningil sa mga nagkaka – utang sa’kanya. Edi sumakay kami ng jeepney, at sinimulan ko na naman ang maki – usyoso sa mga pangyayari sa kapaligiran doon.

Nakit ko ang mga maliliit na batang naglalaro sa labas. Madungis, marumi ang mga damit, magulo ang buhok, may uhog pa nga yun isang bata doon. Pero kahit na ganon ang itsura nila, masaya sila. Masaya silang naglalaro kahit delikado. Kahit ang lugar na kanilang pinaglalaruan e daanan ng jeep, trak at kung anu – ano pang sasakyan. Mostly nga eh, trak ang dumadaan dun. Pero hindi, wala silang takot na magtakbuhan. Maglaro ng Chinese Garter o kahit mataya – taya. Tagu – taguan. Piko. Langit Lupa. At maging ang larong luksong baka at luksong tinik.

Masaya sila. Masaya sila. Makikita mo ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Na kung ako mismo e naaawa dahil sa itsura nila, bigla na lang nawala, kasi nakita ko silang masaya. Kuntento sa kung anuman ang mayroon sila ngayon. Masayang naglalaro. Ine – enjoy nila ang kanilang kamusmusan.

Na – icompare ko naman iyon sa sarili ko. Ako ba? Naging masaya nung bata ako? Naging Malaya rin ba ako katulad nila? Na kahit ang dungis – dungis ko na, andun pa rin ako sa labas ng bahay namin at nakikipaglaro sa mga kaibigan ko? Na kahit gabi na, masaya pa rin ako’ng nakikipaglaro? Naranasan ko ba ‘yon?

Pakiramdam ko. Bata pa lang ako, apektado na ko sa mga problemang nangyayari sa paligid ko. Nung nakita ko ang mga batang iyon, naisip ko. Bata lang sila. Wala pa silang kamuwang – muwang sa mga nangyayari sa paligid nila. Wala silang alam kung ano nga ba ang estado ng kanilang pamumuhay. Wala silang alam kung bakit doon lang sila nakatira. Wala. Kasi nga, musmos pa lang. Wala pa’ng ibang alam kundi ang maglaro, magpakasaya at enjoyin ang pagkabata.

Pero iba ako. Hindi ako tulad nila. Ni hindi ko narinig na sinabi sa harap ko’ng, bata pa ‘yan. As in wala. Bata pa lang ako ramdam ko na ang kakulangan sa paligid ko. Narinig ko na ang lahat ng nangyari sa’amin. Naging mulat na ko sa mga pangyayari sa paligid ko. Na kahit bata palang ako, hindi ko naramdaman ang dapat na maramdaman ng isang bata.

Bata pa lang ako, naramdaman ko ng kulang ang pamilya ko. At ‘yun nga, ang katotohanang wala ako’ng papa. Na hindi tulad ng iba na buo ang pamilya. Nung bata pa ko, nakakaramdam ako ng inggit kapag nakakakita ako ng buong pamilya. Yung sama – sama sila. Masaya. Masaya kahit sa’ang angulo man tingnan. Hanggang ngayon naman nararamdaman ko ito. Pero ang sakit pala noh? Bata pa lang kasi ako. Dala – dala ko na ang titulong, “broken family” kami. Dala ko ‘yun. Magpasa – hanggang ngayon.

“Anak! Halika nga rito! Ang dungis mo. Maligo ka dun.” Narinig ko’ng sabi ng isang nanay na nakaupo dun. Dahil sa traffic na rin kaya nalaman ko’ng buntis pala ang nanay na ito. Buntis siya tapos nagtitinda siya ng saging. Halata rin sa itsura niya na nahihirapan na siya pero mas inintindi pa rin niya ang kalagayan ng mga anak niya. Nagpapakahirap siya sa pagtitinda para buhayin ang mga anak niya. Ibang klase nga naman ang ina noh?

Hindi ko na nasilayan pa ang kwento ng mag – anak na iyon dahil unti – unti na ring umadar ang jeep na aming sinasakyan.

At pagkatingin ko naman sa loob ng jeep. Iba’t ibang mukha naman ang nakita ko. Iba’t ibang pagkatao ang nakapaloob. At iba’t ibang istorya ang mabubuo.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s