SORRY.
Sapat na ba ang salitang ‘yan para tuluyang makalimutan ang MGA bagay na ginawa sa’yo na di mo nagustuhan? Sapat na ba ang salitang ‘yan para mag-act na parang wala ng nangyari. Sapat na ba ‘yan para maibalik ulit sa dati? Sapat na ba ‘yan para sabihing, “Sige nakalimutan ko na ang lahat ng pananakit at panloloko’ng ginawa mo sa’akin..”
Alam ko, HINDI.
Mahirap mapatawad ang isang tao na siyang nagpa-miserable ng buhay mo. Mahirap mapatawad ang taong pinaglaruan lamang ang isang tulad mo. Mahirap mapatawad ang isang taong sumira ng buhay mo. Mahirap. Kahit gusto mo na. Kahit nangonginsensiya ka. Sadyang labag pa din ‘yun sa kalooban ko.
Siguro nga, “Time will heal all the pain..” Pwede ba’ng “Time will forget everything about the past?”
Siguro nga, mababawasan lang ‘yung sakit. Pero di mawawala ang ginawa niya. Di mawawala ang nagyari na. Di mawawala ang bagay na siyang nagpasakit ng damdamin mo. Di mawawala agad ‘yun. Di bale na lang kung nagka-amnesia ka na. Eh, ibang usapan na ‘yun.
Bakit ko nasabi ‘to? Simple lang. May ISANG TAO kasi diyan, na magso-sorry daw sa’akin dahil sa mga nagawa niya. Dahil nakokonsensiya daw at gustong maging magkaibigan ulit kami.
Oh well, all I can say is..
Malayo’ng mangyari ‘yun. 😐
– Colee