I’m Overthinking…

Eto nanaman ako. Kung ano ang iniisip. Hindi ko alam. Bigla nanaman ako’ng nag-drama mode dito. I hated it. Nalulungkot ako. Gusto ko umiyak. Gusto ko magtype ng magtype dito kahit walang kalaman-laman ang utak ko. Ang gusto ko lang eh mailabas ang nararamdaman ko. I’ve changed. Di ko na makilala ang sarili ko. Di ko na maibalik ang dating ako. Kung saan, ang saya-saya ko. Na kaya ko pang mag-pretend na okay ako.

 

Pero ngayon, kahit ata pagpe-pretend hindi uubra e. Kahit anong gawin ko’ng pagtawa o pagngiti, halatang pilit. Halatang hindi ko na kaya.

 

Bakit ganito? Ano ba ang nangyayari sa’akin? Kahit kasi ako hindi ko maintindihan. Tingnan niyo. Iba yung title ko sa pinagta-type ko rito. Wala na talaga ako sa sarili ko.

 

Pero mako-connect naman e. Nag-iisip nanaman kasi ako ng kung anu-ano. Feeling ko anytime e sasabog na ko. Feeling ko magka-countdown na lang ako e susuko na ko. Hay. Ano nga ba ang pinagiisip ko?

 

Una. Si mama. Sa sitwasyon niya ngayon, hindi ko na alam kung makakayanan ko pang magpahinga. Ayoko siyang nahihirapan. Ayoko siyang napapagod. Ayokong makitang inaatake siya. Dahil hindi ko na kaya kapag mangyari pa yun. Si mama, siya ang lakas ko. Siya ngayon ang inspirasyon ko sa lahat ng bagay. Pinipilit ko ang sarili ko na kumilos kahit alam kong di ko na kaya. Pinipilit ko kahit may dinadamdam na ko. Kahit alam ko sa sarili ko, na napapagod na rin ako…

 

Pangalawa. Naguguluhan ako sa feelings ko between those two guys. Si R. Kahit parang inis na ko. Di pa rin mawala sa isip ko na, di pa rin ayos ang lahat. Iniwan niya ko’ng hindi malinaw ang lahat sa’amin. Pinamukha niya kong tanga. Na kapag may magtatanong kung bakit kami nagbreak e wala ako’ng masasabi. Kasi kahit ako, hindi ko alam. Odiba? Tanga ko lang. Tapos etong si A. I dunno na. E kasi naman. He’s acting different talaga. Although, na-appreciate ko naman yung pagiging kaibigan niya sa’akin at pagpaparamdam na di niya ko iiwan. Pero ako ata ang mali e? Parang may nararamdaman ako na siyang dahilan ng pagbalik ng lahat. Kaya nga umiiwas ako. Kasi ayoko na talagang umabot ulit ako sa puntong yun. Once is enough. 

 

Pangatlo. I’m alone. Feeling ko mag-isa lang ako. Nararamdaman ko yung sakit na alam ko’ng mag-isa ko lang dadamdamin kasi wala ako’ng kasama. Pinipilit ko’ng ilayo ang sarili ko sa mga tao kasi iniisip ko na di nila ako maiintindihan and ayoko ng dumagdag pa sa problema nila. Dahil alam ko namang may dinadala tayong lahat na problema. At ayoko ng mandamay pa. 

 

ALONE. Siguro mabuti na rin na sarilinin ko. Kahit mahirapan na ko. Kahit alam kong susuko na ko. Kasi alam ko namang di ko magagawa yung pagsuko e. Alam ko’ng aakuin ko pa rin ang lahat. Kilala ko ang sarili ko. Kayang-kaya ko ‘to. 

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s