An amateur one. But alam ko’ng pangarap ko rin ‘to. Ang lumaban bilang kinatawan ng school namin, photojournalist. Gustung-gusto ko’ng panghawakan ang titulong iyon. Ngunit sa isang iglap, matapos ang lahat ng paghihirap, mawawala na lang iyon..
Kailangan ko’ng mamili mula sa dalawa. Kung MATH nga ba, na nasa susunod na bahagi na ng kumpetisyon? O ang pinapangarap ko’ng maging photojournalist?
Wala ako’ng nagawa. Pinili ko pa rin ang MATH. Dahil alam ko’ng malaking sayang kung di pa ko dun sumama. At siguro nga, di ko pa oras para sa pangarap ko pa’ng isa..
Pero sa kabilang banda, nalulungkot ako. Dahil matapos ang lahat ng paghihirap ang paghihintay, wala rin pala ito’ng patutunguhan. =/
I trust God naman. Siguro He has another plan for me. Maybe He said that I should wait for the time. And I know. Alam ko’ng darating din ang time na ‘yon.