Couple Shirts [My One-Shot Story]

“Rinaaaaa! Dali na, pumayag ka naaaaa!” Pamimilit sa’akin ni Laureen, bestfriend ko.

 

 

“Ayoko nga, Reen. Makulit?” Pinipilit niya kasi ako’ng makipag-date sa isa nilang kakilala.

 

 

“Bakit? Dahil ba kay Alex?” Psh. Bakit ba napunta nanaman ‘to kay Alex? 

 

 

“Ano ba?! Bakit siya ng siya?! Pwede ba’ng AKO na lang. Linta naman oh. Paano ko makakalimutan yung tao kung kayo mismo humahadlang!” 

 

 

“Humahadlang? Tinutulungan ka na nga eh. Kung ayaw mo, edi wag.” Sabay alis niya. Naku. Nagtampo nanaman. Haaaay. Wala ako’ng panahon diyan. 😐

 

Ako si Rina. 3rd year college student at BSA ang course ko. Yung Alex? Well, siya lang naman yung dakilang EX ko. Ang siya’ng nang-iwan at nanloko sa’akin. :/ 1 year lang ang relasyon namin. Pero sa loob ng isang taon na yun, may kasabay pala ako. Haaaaay. Buhay parang life! Napakahirap intindihin. 😐

 

***

 

Pagtapos ng klase. Dumiretso na ko sa locker ko para iligpit na ang mga gamit ko. Tapos nun, naglakad na ko paalis ng school. 

 

*Kriiing.

 

Kuya calling…

 

“Yes, kuya?” It’s my Kuya Lem. Nagwo-work na siya ngayon.

 

“Rina. Tapos na ba klase mo?” 

 

“Yes, kuya. Why?” 

 

“Bilhan mo ko ng necktie please? Nawala kasi yung iba, naiwan ko ata sa isang bahay natin. Nilagay ko na sa atm mo yung pera. Okay ba?” 

 

“Sure kuya.” 

 

“Thanks babysis.” At binaba naman niya yung phone.

 

Pagkalabas ko ng school, sakto namang labas si Alex…

 

 

 

 

 

 

 

..with his new girlfriend..

 

 

Dumaan sila sa harap ko. Pero, parang wala lang. Parang di na ko kiala ni Alex. Para ba’ng hangin lang ako sa paningin niya. Di man lang niya ko tiningan or nginitian man lang. Di man lang niya ko pinansin. 😐 Pero bakit ko pa inaasahan ‘to di’ba? EX ko na lang siya. EX na lang din niya ko. Kaya siguro, mas mabuti ng ganito. Mas mabuti ng di kami magpansinan</3

 

 

Pagkatapos ko’ng i-withdraw yung pera, sumakay na naman ako ng jeep para pumunta ng mall. Sakto din yung timing. Para naman makapag-relax ako. Masyado na ko’ng stressed. Masyado na ko’ng naguguluhan dahil sa pesteng lovelife na yan. >_<

 

***

 

Habang tumitingin ako sa mga necktie, pumukaw naman ng pansin ko ang isang couple shirt doon. Cute siya. Kahit simple lang. Nilapitan ko iyon. Parang gusto ko’ng bilhin. Pero, kung bibilhin ko naman, wala ako’ng ka-couple na magsusuot nun</3

 

Hinawakan ko yung isang damit, at sabay nun ay may humawak din sa isang damit na ka-couple nun. Napatingin kami sa isa’t isa dahil dun.

 

“Ah. Bibilhin mo ba?” Tanong niya. Lalaki siya. Gwapo din. Maputi. Matangkad. Ay shet. Bakit ko dine-describe!? =_________=

 

“Ah. Hindi. Tinitingan ko lang. Ikaw?” Ngumiti siya pagkatapos nun. Packing Tape. Bawal ngumiti, nakakamatay! =_______=

 

“Haha. Same. Wala din naman ako’ng pagbibigyan ng isa eh.” Napatingin naman ako bigla sakanya.

 

“Wala? As in WALA NA? or WALA PA?” Ginaya ko yung line sa isang scene ni Derek at Bea dun sa One More Chance. Hehe. Kung doon, picture frame. Sa’amin naman, couple shirt.

 

“Wala na. Haha. Alam ko yung line na yan.” At tumawa kami parehas. “Ikaw? WALA NA? or WALA PA?” Wow. Binato din sa’akin yung tanong.

 

“Same. Wala na.” Sabay iba ng tingin ko.

 

“Haaaaay. Ganyan talaga ang buhay..” Pinahinto ko siya. “Parang life?” Sabi ko.

 

“Oo, ang hirap intindihin.” GAHD. Bakit parehas kami ng motto nito’ng lalaking ‘to? O.o

 

“Hahaha! I’m Rina.” Sabay abot ko ng kamay ko.

 

“James.” At nagshake-hands naman kami. Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan eh. Kaya okay na din.

 

“Nice to meet you!” ^_____^

 

“Ako din. Haha. Nga pala, let’s meet again sa ibang araw? Para naman mapagkwentuhan natin yung kasawian natin sa pag-ibig.” 

 

“Haha! Sure. Here’s my number. Just call me.” At binigay din niya ang number niya.

 

“Well, see you soon. Thank you.” At umalis na siya. Nag-wave naman ako sakanya.

 

***

 

Nang nakapili na ko ng necktie para kay kuya. I mean, neckties. Haha. Bumili din ako ng dress for me at binayaran na iyon. Bago ako umalis ng mall ay pumunta muna ako ng Starbucks. 

 

“One Mocha Frapuccino please?” Nagbayad naman ako sa counter at hinintay ang order ko. Umupo muna ako. At nung tinawag na ang inorder ko ay tumayo na ko at kinuha iyon. 

 

Lumabas na ko ng starbucks. Maya-maya may tumawag sa’akin.

 

“Rina!” Pagkalingon ko. Sila Alex. 😐

 

“Rina! Di mo ba ko natatandaan?” Sabi niya ulit. Siya yung kabarkada ni Alex.

 

“Ken. Hi.” Sabi ko at pinipilit na umiwas ng tingin kina Alex.

 

“Babe? Sino siya?” Sabi nung girl. Hmp. Babe mo mukha mo. Ano kabe-babe diyan. Eh, timer yan eh. Kitams. Iba yung sinabay niya sa’akin sa girlfriend niya ngayon. 😐 Shet. Di ako bitter. Naiinis lang ako. =________=

 

“Ah. Friend namin.” Friend? Bakit? Di mo ba masabing EX-GIRLFRIEND mo ko? GAHD. Kapal din pala ng mukha mo! Hmp. >_<

 

“Actually. I’m not just a friend..” Sabi ko sa babae. Tumingin muna ako kay Alex at nakita ko siyang umiba ng expression. Tumingin ulit ako sa babae at tinuloy ang sinasabi ko. “I’m his ex-girlfriend.” *wink At umalis na ko. 

 

Di na ko lumingon, pero narinig ko na sumigaw yung babae. Nako. Okay na yun. Makaganti man lang kahit konti. *evil laugh

 

***

 

“Oh, kuya.” Sabay abot ko ng pinamili ko’ng neckties para saknya. Di ko na siya hinintay na sumagot at umakyat na sa kwarto ko. Di ko alam pero naiiyak ako. Ganun ba ko ka-walang kwenta kay Alex? Na kahit sabihin man lang niya’ng EX niya ko di niya magawa? Hmp. Wala siyang kwenta. Pero nakakainis eh. Ang sakit kaya!? =________=”

 

James calling..

 

Pinunasan ko ang konting luha ko at sinagot na ang phone.

 

“Hello?”

 

“Hi!” 

 

“Bakit ka napatawag?” 

 

“Ahm. Busy ka ba tomorrow?”

 

“Yeah. I have school.” 

 

“Awts. Sige. Next time na lang. Sorry sa istorbo..”

 

“Ahm. Wait!” 

 

“Yes?” 

 

“Let’s see each other tomorrow?”

 

“Sure ka?”

 

“Yeah. 3pm tapos na yung klase ko. Pick me up okay?” 

 

“Suuure. I will be there.”

 

“Wait, alam mo na school ko?”

 

“Yeah. Meron ako’ng mga kaibigan dun. Kilala ka nga nila eh.” 

 

“Ah. Sige. See you.” At binaba ko na yung phone.

 

Di naman masama makipag-date di’ba? ( Kung date man yung tawag dun. ) =__________=

 

***

 

KINABUKASAN.

 

“Rina.” Tawag sa’akin ni Laureen.

 

“Oh?” Maikli ko’ng sagot. Inaayos ko na kasi yung gamit ko para makauwi na.

 

“Sorry kahapon ah? Di ko sinasadya. Gusto ko lang naman—” 

 

“Wala na yun, Reen. By the way, I have my date na.” Pagkasabi ko nun, bigla namang nanlaki mga mata niya.

 

“What? Really? Sino? Kelan? Saan?” 

 

“Dami’ng tanong? Haha. Actually. Di pa naman yun date eh. Basta, ganun na yun. Mamaya. James pangalan niya. Gusto mo pakilala ko siya? Pupuntahan niya ko dito.” 

 

“Alam mo? James din yung pangalan ng ipapa-date ko sana sa’yo. Pero, madami namang James eh. Baka nagkataon lang. Hehe. Sige, pakilala mo ko.” At sabay naman kami’ng pumunta sa parking lot ng school. May kotse daw kasi siyang dala eh. 

 

 

 

“Oh, ayun siya.” Sabay turo ko sa lalaking naka-violet na v-neck. Wow. Ang hot lang ah. O.o

 

“NO WAY!?” 

 

“Huh?”

 

“Siya yung ipapa-date ko sa’yo! JAMES MONTECASTRO!” At kumaway siya para makita nung James yung kinalalagyan namin. 

 

“Oh? Laureen. Kilala mo si Rina?” 

 

“Excuse me. Bestfriend ko pa! Hala, sige! Enjoy your date! Babuuu!” At tinawanan na lang namin ni James si Laureen. Tama ba yun? Siya dapat yung ida-date sa’akin ni Laureen. Wow. What a coincidence. O.O

***

Pumunta naman kami sa isang resto ni James. Kumain lamang kami at naka-kwentuhan na namin yung about sa aming mga ex. Kung paano kami naging sawi dahil sa kanila.

 

“Tinymer ako ng ex ko.” Sabi ko.

 

“What? Loko-loko yun ah? Gusto mo, upakan ko?” Tumawa na lang ako sakanya.

 

“Naku. Kahit wag na, naipaghiganti ko na. HAHA!” 

 

“Oh? Paano?” 

 

“Secret ko na yun!” Sabay behlat ko. 😛 “Kwento mo na yung sa’yo!” 

 


“Ah. Kasi.. nagmahal siya ng iba..” 
Napansin ko naman sakanya ang pag-iba ng expression ng mukha niya.

 

“Naku. Okay lang ‘yan! Alam mo, kapag may taong nawawala sa’atin. Ibig sabihin lang nun, may darating din na mas better. Yung di ka sasaktan. Yung aalagaan ka.” Sabay ngiti ko sakanya.

 

“At sa tingin ko nakita ko na yun..” Pabulong niyang sabi.

 

“HA?” Sabi ko.

 

“Ah, wala.. Kain na lang tayo.” 

 

***

 

Nagpatuloy ang paglabas namin ni James. Minsan pa nga, napagkakamalang kami eh. Pero hindi pa. Hindi pa? Or hindi? Ay ewan. Di naman masama MAIN LOVE ulit di’ba? Oo, tama. In love na ko kay James. Siya kasi yung tipo ng lalaking madali lang mahalin. Kasi, lahat ng gusto mo sa isang lalaki, makikita mo na sakanya. Kaya, oo. Mahal ko na siya. Kahit makita ko man si Alex na may kasama nanamang iba babae, wala na ko’ng pakielam. Basta ako. MOVED ON. At nagmamahal na muli.

 

Pero.

 

Dumating ang isang araw. Dalawang araw. Tatlong araw.

 

Na di na nagpaparamdam si James. Ni text man lang wala. Di ko alam kung ano na nangyari. :/ 

 

“Reen? Ano balita kay James?” Tanong ko.

 

“Huh? Sa’yo nga dapat ako magtatanong eh. Hinahanap kasi siya ng mga kabarkada niya. Bakit? Di mo ba nakakasama?” 

 

“Hindi eh. Tatlong araw na.” 

 

“Asus. Miss mo agad? Baka busy lang. Intindihin na lang natin. May business din kasi sila eh.” Ngumiti na lang ako kay Laureen. Oo nga. Baka busy lang. :/

 

***

 

One week na simula noong di ko nakakausap si James. Grabeh. Miss na miss ko na siya. =(

 

“Package for Miss Rina.” Sabi ng isang mailman.

 

“Ako po yun.” Inabot naman niya sa’akin yung box. At pinapirma dun. 

 

 

Hmm. Ano kaya laman ne’to? =___________=?

 

 

Nang binuksan ko. Isang card ang nauna. Kinuha ko muna yun at binasa.

 

Uy, miss na kita. Sobraaaa! Sorry ah? Umalis kasi ako ng bansa. Di na ko nakapag-paalam pa. Sorry talaga. Pero eto na, bumalik na ko. At miss na kita, Rina. Suotin mo yung regalo ko. Magkita tayo mamaya sa park, okay? See you.♥          – James

 


O.o  –  o.O  – O.O

 

OHMYGAHD~ Si James? :”””””””> Tinignan ko naman yung nasa loob pa nung box. At ngulat ako ng nakita ko ang nasa loob.

 

O.o

 

 

O.o

 

 

O.o

 

Yung couple shirt na nakita namin nung una pa lang kami nagkakilala. :”>

 

Sinuot ko naman yun. Nag-ayos at pumunta na sa place na sinabi ni James. Grabeh, kinakabahan ako. 

 

Maya-maya. May lumapit na bata at may inabot. Tiningan ko naman, yung maliit na heart nakalagay dun sa may stick at nakalagay dun ang “I”. May card na maliit at binasa ko naman..

 

“I. I- the shortest word I know. I will always be here..” – James

 


May nagbigay din naman sa susunod. Ganun din yung itsura. 

 

“LOVE- the sweetest word I know. Love will come, unexpectedly..” – James (punta ka sa place na tambayan natin. ^_^)

 

 

Naglakad na ko papunta sa may fountain dun. Dun kasi kami lagi tumatambay ni James.

 

Nagulat ako ng sumulpot si James at hawak ang isang katulad din ng binigay sa’akin kanina. 

 

“YOU- the special someone I know..” At nag-smile siya. Kinuha ko naman yung stick at nag-smile din. 

 

“Ang korni mo!” Sabay tawa namin.

 

“Hindi ah. Ang sweet ko nga eh. Ikaw diyan bitter.” 

 

“Ewan. Na-miss kita! Tapos aawayin mo lang ako?” Sabay pout ko.

 

“Sus. Miss kita lalo noh..” Hinawakan niya naman ang mga kamay ko. “Rina. I love you. Mahal na kita simula pa lang nung nagkita tayo. Di’ba nga? Tinitingan natin to’ng couple shirts na suot natin ngayon. Binili ko ‘to for us. At napaka-espesyal ng shirts na ‘to, dahil dito nagkakilala tayo.”

 


Yumuko siya saglit at humarap ulit. Tiningan ko lang siya sa mga mata niya.

 

“Rina. Can you be my girlfriend?” Ngumiti naman ako sakanya.

 

 

“James…..

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

..May magagawa pa ba ko para huminde? Mahal din kita, loko ka!” At sabay nun ay niyakap niya ko. 

 

 

“Kapag may taong nang-iwan sa’atin. Ibig sabihin lang nun ay may darating na bagong tao sa buhay natin, yung mas better. Yung di ka sasaktan. Di ka iiwanan. At aalagaan ka.

 

 

 

..At siya na nga yun..” – Rina.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s